Konti na lang. Konti na lang talaga. Bakit ganito? Marami namang magagandang nangyayari pero hindi sapat para mapangiti ka ng isang buong araw. Bakit lahat hindi sapat? Bakit lahat ay parang kulang? Nasaan ba ang problema? Nasaan? Sa akin ba? Sa paligid ko ba? Ang gulo na. Hindi ko na yata kayang ayusin pa. Susuko na ba? Hindi ako quitter. Hindi. Yan ang binubulong ko sa sarili ko. Hindi sapat. Parati na lang hindi sapat. Paano kung ito lang talaga ang kaya. Intindihin sana. Kulang ako sa panahong nararapat. Ginagawa ko naman ang lahat. Inuuna na sa lahat. Ngunit hindi sapat. Wala nang puntong gugulin ang nakalipas na oras na nasayang, kaya sana'y maintindihan ang kalagayang, ginagawa ko ang lahat gamit ang kung ano mang mayroon ako. Ngunit kulang. Alam ko. Pero, hindi ko kayang ibalik ang oras. Hindi. Pasensiya. Nahihirapan na ako, sana'y wag nang gatungan pa. Ginagawa ko naman talaga ang lahat. Gusto ko lang talagang ilabas.
Isa pa, konti lang naman ang ninanais ngunit bakit ayaw pahintulutan ng panahon, ng mundo, ng mga pangyayari, ng pagkakataon. Konti lang naman. Minsan lang makiusap. Ito na lang ang siyang nakaaayos ng araw ko. Bakit pahirapan pa? Naiintindihan ko naman. Hindi talaga pumapayag ang pagkakataon. Pero, nakikiusap lang... Sana lang. Minsan lang. Eto lang ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas. Ito lang. Pakiusap lang sana sa may kapangyarihan, ibalato na sana sa akin ito. Pakiusap. Sana.
Isa pa. Marahil wala na kong karapatang humngi ng pabor sa iyo. Pero siguro naman, alam mo ang kalagayan ko. Siguro naman. Konting pakiusap lang naman. Pero, alam kong walang karapatan. Pasensiya. Inakala ko lang na nandiyan ka. Iba kayo. Akala ko lang. Hinanakit ko'y hindi ko na mapigil. Hayaang ilabas ko na lang dito. Akala ko lang talaga. Akala ko rin alam ko na kung paano. Pero hindi. Apektado pa rin. Pasensiya. Alam kong walang karapatan.
Mga tanong...
Kung ikaw ang umaabot ngunit hindi naman kinukuha ang iyong kamay, hindi ka ba mapapagod?
Kung ikaw and pilit nakikinig ngunit hindi naman pala nadarama, hindi ka ba mapapagod?
Kung ikaw ang lumalapit, ngunit hindi napapansin, hindi ka ba mapapagod?
Kung parating kang nariyan kung kailan lang niya ninais o kung kailan siya pwede, hindi ba nakakasawa?
Kung ang hangad mo lang ang mabuti, ngunit nagmumukha ka pang masama sa kaniyang mata, hindi ka ba masasaktan?
Kung may nakikita kang sa tingin mong hindi tama, tatahimik ka lang ba?
Kung pilit mong ipinaparinig ngunit hindi pinakikingan, hindi ka ba mapapagod?
Kung pilit kang lumalaban pero tapos na pala sa kaniya ang laban, hindi ka ba masasaktan?
Kung lahat ay ginawa mo na, ngunit naging pabigat ka pa, hindi ka ba masasaktan?
Lahat ay sinubukan na...
Ngunit lalo atang napasama, pabigat na yata...
o di kaya nama'y hindi naman nakikita nag tunay na hangad...
Wala namang hangad kundi ang kaligayahan mo...
Ngunit, hindi ka na makilala...
Hindi ka na maabot...
Masakit.
Lahat ng abot ng kakayahan, hindi pa rin ba sapat?
Masisisi mo ba ako kung ako'y maging bato?
Hindi kita iniiwan.
Hindi ako umaayaw sa pagkakaibigang ito.
Hindi ako ang tipo ng taong sumusuko ng basta.
Tatahimik na lamang at hahayaan ka.
Hindi ako aalis.
Tatayo lamang sa isang tabi at hihintayin kang bumalik.
Sana lang makita mo...
Sana lang nakikita mo...
Hay.
*********************************************************************
Hay. Ang drama ng buhay. But no! Itiigil ito... Hahaha! =D Dahil nailabas ko na, huwag nang isipin! Dahil masaya ang araw ko! Masaya ang araw ko! Wahahaha!!! Lahat may paraan. Lahat. Basta gusto. Hay. Yun lang. Hay. Maganda ang araw kahit wlang tulog at heto nanaman ako, walang tulog! Oh! HAPPY day!!! Wahahaha!!!! \(^.^)/
***Ta amayo contigo!***
Allow me to tell you again how sorry I am. Don't say you have no right to get mad, because you have the every right to. My mistake. My bad. Put in the same situation, I would react the same way. You seem to tell me that it's no big deal but for me it is. Payagan mo kong "magdrama". Maybe you need time. It is pretty awkward. I don't know how to deal with this kasi first time lang kitang nakitang ganito. But I must warn you now, I will be very stubborn dahil susuyuin kita hanggang kaya ko. With just a couple of days of literally not hearing from you, believe me, I've felt so down and lost. And I still do. You've heard this before but I won't get tired of telling you how sorry I am. You are one of the truest persons I've ever met and the greatest. I treasure you and our friendship so much. You are one of the few people I've shared my entire life with. You've seen me at my worst and I really thank you for that. I'm telling you now, I am not about to give you up. A mistake I made, I will pay for but not with the cost of losing you. You are far too important for me to give up on. Dude, I love you way too much to let you slip away. Don't let me lose you. Again, I am sorry.
miggy. michee*. michellette. different names, different facades. one whole complicated individual underneath the blanket of stars hoping that one day i could hold one.
:: Michelle Loves ::the stars. the wide sky. love itself. the journey. and maybe the destination.
:: Random Thoughts ::chocolates. sweets. hugs. kisses. smiles. laughter. tears. painful knowledge. truth. honesty. cookies. love. alone. friends.
:: Stars falling, An angel hoping ::staring at the wide sky. walking underneath the stars. enduring the journey -- loving it, hating it, not sure of the destination. i continue to walk, covering ground while the stars fall, and i continue to hope...